Martes ng Umaga at Walang Magawa
Minsan ba pumasok na sa utak mo na paano kaya kung naging iba ang buhay mo sa buhay mo ngayon - tapos ng pag-aaral, may magandang trabaho, may masayang pamilya, at walang gaanong pinoproblema?
Paano kaya kung sa halip na ikaw ang nagbibigay ng limos, ay ikaw ang namamalimos; imbes na ikaw ang kumakain sa loob ng isang sikat na kainan, ay ikaw ang nakasilip sa labas ng kainan at nangangarap na kahit minsan lang ay matikman ang mga nakahaing masasarap na pagkain sa mesa; at imbes na ikaw ang bumibili ng sampaguita, ay ikaw ang nagbebenta ng sampaguita?
Minsan ba sumagi na din sa isip mo na maswerte ka at hindi ka isa sa mga kinakaawan mo, na may pamilyang nagmamahal sa iyo at hindi ka pinababayaang lumaboy at mamalimos sa daan, na regular kang nakakakain ng masasarap na pagkain, na hindi ka nagbababad sa ulan para kumita ng konting barya?
Madalas kong dinadalangin na sana naging sobrang yaman ko, kasi noon pa man gusto ko ng makatulong sa ibang tao sa paraang alam ko. Subalit sa kasalukuyang sitwasyon ko, limitado lang ang magagawa ko. Malapit na ang Pasko. Sa mga taong nakabasa nito, sana man lang napag-isip ko kayo.

Comments
Post a Comment